Saturday, June 7, 2008

monster...

bakit ka ganyan?
wala ka talagang puso!!! nasasaktan ako para sayo!...
bakit?? di masaklaw ng isip ko, di matimbang ng kaalaman ko.
bakit napakadaling gawing lumisan para sayo?


ilan beses naba? ilang beses mo ba ko nun sinaktan?
di ko na mabilang, ayaw ko na ding matandaan...
nakakatawa dahil alam ko mahal pa din kita,
nakakalungkot kung bakit sayo ko pa to nadama!!

ano ba ang pagmamahal na naituro sayo?
ano ba ang pagmamahal na alam ng utak mo?
ano ba ang pagmamahal na alam ng puso mo?
pagmamahal nga ba ang alam ng puso at isip mo?

nakakatakot ka! natatakot ako para sayo,
kase minahal kita kaya nag aalala ako sa'yo
wag sanang bumalik sayo lahat ng nagawa mo,
wag sanang dumating na ikaw ang nasa lugar ko!

No comments: