Saturday, May 17, 2008

MAALIS TAYA...

bakit may mga tao na ang pagmamahal sa kanila parang isang laro? buti sana kung may taya sa inyo na pinag jack n poyan nyo para alam nyo kung sino ang hahabol at hahabulin... eh bakit ganun pumayag ka na nga naburot kpa! putcha naman, lagi na lang ako ang taya... nakakapagod na din gusto ko ng umayaw, baka sa ibang laro di na ako ang taya.masalimuot at masakit pero naging masaya ako... ewan bakit ganun, ang gulo ang alam ko lang kasi ang pagmamahal di tatlo singko sa palengke, alam ko napakasarap na pakiramdam yun at napaka halaga na dapat mung ingatan at pahalagahan.
minsan ang sarap uling maging bata, ung wala kang responsibilidad na iisipin, pag namali ka subukan mu uli, andami mo pang kayang ibigay, tiisin, matutunan at sayangin na oras. nakakamiss din mga kalaro mo na di kayang mandaya kase nakikita sila ni GOD and takot silang maging masama baka pagdating ng pasko wala silang regalo kay Santa Klaus. buti pa noong bata ka simple lang.

1 comment:

Boying Opaw said...

oo. buti pa nung bata pa. simple lang ang lahat. hindi komplikado. hindi masakit sa ulo ang mga bagay bagay. hayy.