Thursday, September 18, 2008

ay... day'

afraid of life time achievement award...

baket? baket nga ba? diba't nag enjoy ka naman?
pinag-pawisan at nahilo sa pag head throw'
nasarapan sa init, kipot, lapot at bantot'
napa wooohoh' sa pag inadayog sabay ng musika!

magpakalango at makalimot...
pilit takpan ng amats ang tunay na pagsubok...
sa bawat order ng bote ng beer, brian o blue frog...
ngayon eechos echos ka jan mala echoserang frog.

kalimot nga ba ang dahilan?
o aksidenteng di inaasahan? ( oh well may accident ba na inaasahan?)
baka naman nag paka iresponsable ka lang,
dulot ito ng katotohanang alam mo ngunit ikay nag pakamangmang.

mga katagang nais iparating, naway iyong marinig'
di kita kailaman iwawaksi o itatanggi...
ikay ehemplo ng kasariwaan at puno ng buhay,
hangad koy iyong kaligayahan...

ngayo'y ikay nasa bagong yugto ng iyong buhay,
ako'y nangamba para sa iyo aking naging kaibigan...
ngunit nakita nalaman at aking nabalitaan,
ikay nagpapatuloy sa iyong mundong ginagalawan...

....ng may ngiti at responsableng pananaw,
naway iyong malaman, akoy iyong pinahanga
.... pinangiti, dahil sa iyong kamusmusan,
natanggap at naunawaan, nadapat bumangon...

at ngayo'y bagong nilalang, may paninindigan at katatagan,
responsable at itutuloy ng tama ang bagong buhay.
mabuhay ka...

No comments: