paalam rebeka,paalam tisay, paalam marce ...
ang entry na ito ay para sayo, para sa pagkakaibigang sinubok ng maraming unos, tag tuyot, sari saring panahon...
bata palang kame ni tisay ng unang magtagpo ang trabaho, madali kaming nagkapalagayn ng loob at nabuo ang da kikis, isang dating guro na sumubok sa larangan ng telebisyun at produksyon ang aming landas ay nag tagpo sa ika siyam na palapag ng gusali ng ELJ mag-aanim na taon na ang nakakalipas, nauna lang sya sa akin nun ng mga ilang linggo sa aming produksyon ng telebisyon, sabi nila weak ang personalidad ng taong ito, maarte na ayaw matalsikan ng kahit na
anung pagkain o kahit simpleng tubig lang. madalas mo tong makikitang yamot at bugnutin, pero sa likod ng mga ito isang matalino, matyaga, payak at maasahang katrabaho. mapagmahal, maunawain at responsableng esteban si marce sa kanyang mga mahal sa buhay. mapagkakatiwalaan, matatakbuhan, mahihingahan ng sama ng loob, makakainuman pag valentines day, makakalandian at mag tuksuhan at mag pakyut sa aming mga crush, malalim kausap pag kinakailangan, malambing pag may kailangan lol, sensitive at mabuting kaibigan si marce.
ilang taon ko kasama si marce sa studyo kung saan kami nag tataping may kanaya kanya kameng baby na veejay akin si ala kanya si heart evangelista, maka-ilang beses din kameng tumatakas para makainum at makalabas at maaliw sa aming kakarampot na kinikita noon, nanjang umatak kame ng bulahkhanja at pababain si chicha at hanapin ang kalye chuparla kung saan nakatira si mrs. sumtin na nakalimutan ko na, sumayaw sa saliw ng tugtuging wat'a a men at mabato ng bote sa kalsada,rumampa sa mcdo commonwealth at sa sgt esguerra. mga raket na naka file sa folder ng lihim ng kyombs. mga album cover,titles at tracks ng aming mga ka opisina ang pamatay oras sa hapon kapag nag iintay ng pag rolyo ng kamera. mga events na bakit ba kami'y umatend pa kahit nagdurugo na ang paa sa sikip ng tiil na nahiram nya.
mga pagpupulong kasama ang dalawang diva na si gethsemanie lajara at irmalicious aka big jaq, mga hinaing naming lihim , mga kemeng
aming tinitiis,mga isyu at kuro kuro. lahat ng mga yun ay nagawan ng paraan at ngayun masasabing masaya kami sa kina hantungan. nahiwalay na kame ni marce mas pinili nyang maburnot at humarap sa mas malaking responsibilidad (na dapat iakaw mike ang sumagot) ang maging opis gurl pasok scoring " i am a workin girl" kapalit ng mga benipisyong tulad ng bigas, sss, philhealth at pagibig na sa desisyung trabahong kanyang tinaggap na manatili sa harap ng kumpyuter ay malamang na hindi nya matagpuan, naging masaya ako para sa kanya dahil mas karapatdapat at napapanahon na na mabigyan ng pagkilala at rekomendasyun ang talento ni tisay avila ang marce ng lahat . . .
maraming istorya maraming kaibigang pinagtiwalaan kameng nasubukan may nagtatago sa maamo nitong mukha sa malumanay na pagsasalita ay isa palang demonya. doon ko unang nakita ang rebeka sa pagkatao ni tisay avila, marunong magalit ng animoy isang bida na ngaun ay handa ng gumanti at ipamukha sayo na sa weak ng personality ko na ito "ay isang pilya modern at wild din ako" na handang handang makipag sabong sa taong tinuring nyang kaibigan pinagkatiwalaan "ang kapal ng mukha mo ikaw ang nagsabi teri gawin mo to teri gawin mo yan" na sa bandang huli ay isang impostora at manggamit na psycholo' na tinawag ko sa pangalng ingrid ang babaying inggitera.
sa paglipas at pag usad ng oras maraming kaibigan at kasamahan ang nalagas sa tangkay ng panahon, may pinanghinayangan kami pareho at ikinalungkot dahil kame na lang ang dalawang natitira, nanjan si ramesh ang pearly sa original na kikis at si sonya sonya mike mutya da diva who cannot sustain na sinubukan ang kani kanilang internaytional career...
ang aking panahon marce sa piling ng mga musik vidyo at sa liriko na nakapaloob dito scoring: "slamat salamat sa .... itong munting vakla ay napapatuwa... aaaa", sa ibabaw ng panagalan ni tya flora gazzer na tuwing natatapos ang shows, sa mga libreng cd, sa mga premier tickets, sa concerts at shows, sa chicken sa two pis "alam mo namang paborito ko ito", sa bangus at san mig light, sa mga kalamansing piniga ko para sayo, sa mga sebo sa 13th floor at sa 2nd floor old bldng, sa lihim ng enchanted king-dom, sa chicharon at pastillas maraming salamat.
sa mga magagandang nagyari sa isang alitan natin tungkol sa babaying ma apil, kay
charito, kay chi...kah charing' CHARIING!, sa blusang itim at temptation island, sa ginintuang kasuotan, sa maraming musika, sa grand mama at luki mih! sa mga pansit at sandwhich sa GA, sa mga panahon na alam ko na kahit di mo ko naiintindihan nariyan ka bilang isang kaibigan na handang makinig, sa mga ka chepan ko na ikaw lang ang nakaka unawa, sa alaala ng janero, isla baile, mip, petrus at pantojas maraming salamat... akala ko noon mas masakit pag ikaw ang iniwan, marce mas masakit na umalis sa isang lugar na alam mo na mahal mo at dito ka maraming natutunan, mga taong naging parte ng buhay mo sa araw araw at ang departamentong byuti and wellness. maraming salamat sa yo sa mga aral at leksyon na naibahagi mo sa aking pagkatao hindi ako magiging si
twinkle araney ngayon kung wala ang isang
RAUL ESTEBAN JUNIOR. hanggang sa muling pagtatagpo at pagkakalinya ng ating mga estrella mabubuo muli ang kadenang bulaklak.
scoring
BYE BYE by Mariah Carey