makailang beses ko na ring naitanung sa sarili ko....
anu nga ba ang pakay ko ba't ako naririto sa isla ng boracay?
dalawang buwan na... may na achieve na ba ako? may nagawa na ba ako?
ano paba ang ginagawa ko dito?
umalis ako, nilisan ko ang kabihasnan ang mausok, matrafic, mabilis na buhay at makasalanang syudad, pakay ko? hanapin ang sarili ko, mag simula bumalik sa dating simpleng pananaw sa buhay at bumuo muli ng mga panagarap...
nakita ko ba ang sarili ko? ang hinahanap ko? ... marami akong natutunan sa islang ito.. napaganda ng dagat ng buhangin ng ihip ng hangin ang matahimik na alon na kay sarap sa pandinig, ang matalim ngunit banayad na init dampi ng haring araw... natutunan ko mabuhay ng payak muli uminum ng gold eagle beer, mag julies bake shop, mamalengke, magluto upang may makain, maglaba, mag trabaho at makisama sa mga katrabaho, trabahong di ko na kaylan man naisip na aking magagawa muli...
nakita ko ang simpleng pamumuhay ng mga taong nakasalamuha ko at paghanga at pag hihinayang nila sa akin sa mga iniwan ko sa maynila... mga kaibigan kakilala kasama ktrabaho at pamilyang aking na desisyunang lisanin pansamantala...
maraming nakaktuwa tulad ng paghanga nila sa akin.. mapababae, paminta at kahit pa sagradong lalaki... ewan marahil ako'y pinalaki ng mga magulang ko na di mapagsamantala at magaling makisama at makipag kaibigan... mga simpleng bagay na nais ko naman talagang gawin tulad ng
mapag isa kaharap ang dagat...
umakyat ng bundok at mamamgha sa biyayang dulot ni mother earth...
sobra makailang beses din akong tumungo ng antique at talaga namang pam postcard ang view na iyong makikita...
ang umakyat ng bundok, mag explore ng isla ng boracay mag isa..
mag picture ng mga tao at magagandang bagay na aking nakita dito sa isla...
isa sa mahalagang bagay na king natutunan ay makisalamuha sa mga simpleng tao, ang malaman ang pinag dadaanan nila sa kanilang pang araw araw na pamumuhay...
naramdaman ko na sa lahat ng pinagdaanan ko at tiniis, mapalad ako na may mga kaibigan ako na kasama, kaakay sa dagok ng buhay at pamilyang puno ng pagmamahal, pag unawa at paniniwala sa aking kakayahan...
na realize ko how much I value my family.. di man sila perpekto o ang aking inasam na pamilya pero alam ko ngaun sa puso ko na di ko sila kayang iwan at di ko sila ipag papalit sa kahit na anu mang bagay.
may mga nakakbwiset syempre naman diba...
mga ka cheapang mentalidad, ewan koba kung sino pa ang galing din ng maynila sila pa ang di nakakaunawa ng courtesy...
I personaly believe na you dont need to earn a college degree to know that..marami sa mga taga maynila ang di napalaki ng magulang nila ng tama, tama para di maging pabigat sa kapwa nila at matutung makaramdam at kumilos at gumawa para sa ikabubuti ng kanilang pagkatao at pagiging tao...
nakita ko ang kaibahan na taga
aklan, iloilo etc... sa ting mga taga
maynila, GRABEH!!! ang mentalidad nila, mga taga probinsya ay masaya ng nabubuhay kahit simpleng pangarap dahil yun ang kaya nilang gawin ngunit di humihinto upang matupad ang mas malaki at mas magandang buhay na kanilang inaasam... di tulad ng mga nakilala ko na taga maynila na naririto...
asa, hintay sa grasya, mapag malaki, pintasero ngunit di nakikita ang sariling kapansanan.. nakatungtung lang sa maynila ay todo na ang pag ka ganid at pag ka user friendly nila... ka chepan... haluan ba ng
extra joss ang red wine!!!!!!!!!!!!!!!!! my gosh laki ng manila yan ha....napaka dumi sa katawan at pagkatao...
maarte ako sa kung maarte pero di ako ambisyosa...alam ko ilugar ang sarili ko...natutunan ko mag pahalag sa merun ako at sa simpleng buhay na merun ako...
nakita ko ang halaga ng oras at ng pinag hihirapan ko...
ang makibagay at akapin ang bagong environment na merun ako...
mga taong dito laki ngunit totoong tao at nag papakatao...
makibagay makipag kaibigan magsaya ng payak magtiwala at pagkatiwalaan...
maging sumbungan takbuhan at taga payo...
marahil sapat na ang ginugol ko na oras dito sa islang ito, marahil ay nakita ko na at nahanap ko na muli si twinkle... ang twinkle na light, bubly, scented at bouncy...hangang sa muli nating pag tatagpo, naway akapin at tanggapin akong muli ng lugar na aking nakagisnan at kung saan natutunan ko ang mga kabagayan sa buhay...mahirap ngunit masaya ako dito.. sa mga taong naging kaibigan at itutuloy ko na maging kaibigan... at sa mga taong nag parealize sa akin kung gaano
ako kaimportante at kahulugan ng magagandang bagay na merun ako sa panlabas, panloob at mga bagay na itinuro at natutunan ko sa aking di perpekto, simple at masayahing pamilya araney...